SOS-UK Logo, Mock COP26 Logo, SOS International Logo

“Our Leaders Have Failed Us at Every COP So We’re Building Our Own”: Kabataan Magdaraos ng Birtwal na COP 

 

19 Nobyembre - 01 Disyembre 2020

 


UNDER EMBARGO UNTIL SEPTEMBER 26 13:30 UTC

 

    • Dalawang linggong virtual climate talks na nagsasalamin sa totoong COP, ngunit ito ay pinatatakbo ng kabataan, para sa kabataan
    • Ang Mock COP26 ay gaganapin sa pagitan ng Nobyembre 19 at Disyembre 1, 2020, ang buwan kung saan dapat na idaraos ang COP26 sa Glasgow
  • Maaaring makapanayam ang mga student staff organisers ng Mock COP26 sa aming press conference sa September 26. Maaaring makapagparehistro sa http://mockcop.org/pressconf

 

 

Sa pagitan ng ika-19 ng Nobyembre at unang araw ng Disyembre 2020, pamumunuan ng mga youth climate leaders ang isang virtual Mock COP na idaraos sa buwan kung kailan dapat gaganapin ang ngayong napagpalibang COP26. Ito ay pangungunahan ng Students Organising for Sustainability UK, kasama ang mga student staff members at volunteers na siyang nag-aasikaso sa pag-oorganisa.   

Sa Mock COP na ito, 3-5 na kinatawan ang magrerepresenta sa bawat bansa, at makatatanggap ng oportunidad sa edukasyon at sa paghahayag ng kanilang mga sariling ideya. 

Layon ng kaganapang ito na bigyang kapangyarihan ang kabataan upang makisali sa mga usapin tungkol sa Climate Emergency kasama ang mga namumuno sa lokal, pambansa at pandaigdigang sektor. Ang mga talakayan ay iikot sa limang tema: hustisya para sa klima; edukasyon sa klima; mga kabuhayang climate-resilient; kalusugan at kagalingan; at mga Nationally-determined Contributions.

 

Sa dulo ng Mock COP26, ang mga kinatawan ay magpepresenta ng isang panlahatang pahayag para sa mga pinuno na nagbubuod ng mga nararapat na bigyang halaga sa COP26 na magaganap naman sa 2021.

 

Ika ni Prithvesh Ashok mula sa India:

Mock COP26 gives us - the youth- a stage to resonate our concerns. It gives us a way to put our voice out there amongst all the noise.”

 

Ika naman ni Dom Jaramillo mula sa Ecuador:

“Young people are no longer waiting to be given permission to speak but are taking the floor themselves. Climate leaders have slammed the door of climate negotiations in our faces. Since they won’t listen, we won’t play their game anymore. We are building our own COP.”

 

Ayon naman kay Sofía Hernández, isang batang miyembro ng COP25 Costa Rican delegation:

“COP25 failed the world. The hashtag #TimeForAction was plastered across the conference centre, but there was no ‘action’ to be found. Global leaders neglected human rights- the human face of the crisis- and prioritised their economic interests.”

 

Ito naman ang pahayag ni Mitzi Jonelle Tan mula sa Pilipinas: 

Marginalised communities are underrepresented, or have been drowned out by the most powerful countries. We demand urgency and for those being most affected by the crisis to have a seat at the table.”

 

[WAKAS]

 

Notes to editors:

  • The event is being organised by 18 student staff members and over 200 students from around 45 countries
  • More information can be found at http://www.mockcop.org
  • Instagram: @mockcop26; Twitter: @MockCOP26;  #ForTheYouthByTheYouth #MockCOP26 
  • For further information or comment email us here
Skip to content